Nagkasabay kami sa bus papuntang trabaho kagabi. Nakakagulat dahil di ko alam na ganun din pala ang daan nya.At dahil sa nagkakitaan na,umupo na lang ako sa tabi n'ya.Kakahiya naman kasi kung sa iba pa ako uupo diba? Nanlibre sya ng pamasahe.Nagpasalamat ang kaibigan ko sa kanya.Samantalang ako...sinabi kong mamya ko na lang sya babayaran. Hehehehe. As if naman na tatanggapin or magkakaroon ako ng lakas ng loob na lapitan sya at ipaalala pa iyon.
Wala kaming imikan ...bukod sa pagtatanong niya tungkol sa sangkatutak na cell phone number ko at pagiespilka ko ng bagay na iyon, namayani ang katahimikan. Ilang beses kong napansin ang paghinga nya ng malalim. Kapag napapasulyap naman ako sa kanya...hayun at ang layo ng tingin ng mokong.Mas mabuti na siguro un kesa naman sa mararamdaman ko ang walang pikit nyang tingin sakin. Wala na rin ang "musta na?" na madalas nyang tinatanong sakin. Malamang alam na niya ang isasagot ko . ang walang kamatayang "ok lang" na lagi kong dinudugtungan ng "ikaw? musta ka naman"
Maya maya namalayan ko na lamang ang kanyang kamay sa braso.Kinuha niya ang aking kamay at nilapag ang isang kapirasong papel sa aking palad...ticket pala un sa bus. Pagkatapos ay bigla na lamang siyang tumayo at naglakad papuntang pintuan ng bus.
Napatingin ako sa aking kamay na naglalaman ng tiket at sa taong unti unti palayo.Naalala ko tuloy , ilang beses na nga ba syang tumabi sa mga biyahe ko sa buhay . Nung mga panahong wala akong pagasa at buhay, nandun sya para kumustahin ako at kausapin.Madami ding beses na siya ang nanlibre at at sumalo sa mga sakit na nararamdaman ko.Pero heto sya ngaun ....palabas na ng pinto ng buhay ko.
Siguro natupad din ang gusto ko.Ang umalis sya at maglakad sa landas na iba sa patutunguhan ko.Ilang beses ko na nga ba siyang pinagtulakan sa iba noon.Ngayon binabalik na niya ang ticket sa akin. wala na akong ibang magagawa kundi ang tignan sya at sabihing paalam na...........